ABYG dahil demanding ako sa libre
Birthday nun pamangkin ko nun dec 18, and naghahanap ako ng photographer to cover the event, nag ask ako sa friend ko na photographer if available sya or may kakilala sya, ngayon sabi nya sya na yun mag cover ng event for "free" pang bawi nalang daw sakin kasi lagi ko sya tinutulungan ( sa mga utang and opportunity ). Edi nag go ako, libre din yun and gusto nya naman.
So ngayon day of the event ok naman, kaso pansin ko medjo matamlay sya kumuha and yun ibang mga moments hindi nya nakukuha din, pero pinalagpas nalang, kahit medjo nahihiya ako sa kapatid ko kase eto yun ambag ko sa birthday. Sa isip isip ko dat kumuha nalang ako ng iba at magbayad kesa ganito.
Now, Dec 26, wala pa din yun mga pictures kahit raw hndi padin nabibigay, badtrip na ako sobra. Ayokong ma post yun event at abutin pa ng next year. Nag message na ako sa friend ko ng mga masasakit na salita mukang cutoff na ang mangyayari samin dalawa. Nag offer na din ako magbayad nalang makuha lang yun mga pictures.
ABYG kasi demanding ako sa libre o talagang kupal lang yun nag alok ng libre tas nagbigay ng poor service.