ABYG kung nakipag-break ako sa jowa ko kahit nag-aadjust pa siya pag-migrate niya sa US?
Nakipag-break ako (25F) sa long-term girlfriend (24F) ko of 7 years kasi hindi na aligned yung non-negotiables namin.
Nag-migrate yung partner ko papuntang US 4 months ago. We prepared long and hard for long-distance. Ever since we met alam ko na ipe-petition siya one of these days. We were at our best before she left, nag-live in kasi kami for a good 2 years. Sure na sure na kami, na kami ang end game at magti-tiis lang kami for a while pero pag pwede na, dadalhin niya rin ako doon. I was very confident that our relationship would last longer.
Her family has its toxic sides, but I've grown to accept it. Alam kong mahihirapan siya sa current setup sa household nila don. Currently, they are all living sa bahay ng eldest sister niya sa US. I won't explain further pero she's really having a hard time doon sa bahay at yun ang major cause ng difficulty niya sa pag-adjust.
Dahil nga toxic sa bahay niya, ang naging pahinga niya ay work. Masaya siyang pag nakakagala siya at nakakasama yung workmates niya. Being WLW with homophobic workmates and friends, hindi siya open sa workmates niya about sa relationship status niya sa Pilipinas. Alam nilang single siya at mayroon lang siyang manliligaw sa Pinas. Ngayon, meron siyang isang pinoy workmate na nagta-try siyang ligawan. Ilang beses na niyang tinurn down yung lalake, pero persistent pa din yung guy. Recently umamin siya sakin na kinakausap niya pa din yung guy. Umamin siya na ilang beses na siyang hinatid nung lalaki pauwi, minsan sila lang, minsan may kasamang iba. Madami pa siyang ginawa na for me ay over na sa boundaries (nagregaluhan, lumabas para kumain with the purpose to tell the guy to stop pero hindi nangyari). Pero kapag tinatanong ko siya, hindi niya naman daw gusto yung lalaki.
I've asked her multiple times na wag na kausapin yung guy or parang tigilan na yung constant communication. Pero ang standpoint niya, kapag inunfriend niya yung lalake, mawawalan siya ng mga kaibigan. Parang package deal sila. Hindi pwedeng yung guy lang i-unfriend niya kasi mas close yung lalake sa friend group kaysa sakanya. Etong friend group na to are the only friends na meron siya doon at ito rin ang only escape niya sa toxic household niya. Bukod don, she's not really the type of person na kayang hindi magreply.
Naiintindihan ko siya na friends nalang yung escape niya. Pero nakipag-break ako ng tuluyan sakanya kasi hindi ko na kaya yung ginagawa niyang pag-over step ng boundaries. Lalo na yung paghatid sakanya nung lalaki. We tried fixing it pa, binigyan ko pa siya ng chance. Nag-offer pa ako na next time kahit mag-lyft (uber) nalang siya, sagot ko, para hindi lang siya ihatid. Pero nahatid pa din siya at ang dami niya lang excuses.
Non-negotiables niya yung mga kaibigan niya. At ako naman dahil pa-ulit ulit nalang akong nadi-disrespect, naging non-negotiable ko na dapat wala na siyang comms with the guy. Clearly, hindi na kami aligned kaya I had enough.
Alam ko pag nire-recall ko lahat ng nangyari, obvious naman na may mali yung ex ko. Pero minsan I can't help but feel guilty for leaving her right now kung kelan naguguluhan siya sa next steps niya sa life. Kung kelan sobrang stressed siya sa toxicity ng family niya. I can't help but think if nagkulang bako sa pagtiwala sakanya? Nagkulang ba ako sa pag-intindi sa situation niya kasi paulit-ulit niya rin sinasabi sakin na yung friends niya lang nagpapasaya sakanya ngayon?
ABYG kung hindi ko kayang magtiwala sa words ng partner ko at iniwan ko siya ngayon kung kelan siya nahihirapan?