ABYG kung nagtanong ng latest STD test para both safe kami, eh may hook-ups siya sa past at nag-hire ako ng escort noon?

Nakipag-date ako kagabi, and honestly, ang gaan ng vibe. Masarap kausap, chill lang, tapos napunta kami sa topic ng past experiences. Sinabi niya na may mga casual hook-ups siya before, and wala naman akong issue dun, past is past.

Habang tumatagal yung usapan, naging more flirty siya. She hinted na gusto niyang mag-sex that night. Wala namang problema sa’kin, pero syempre, gusto kong maging responsible. Pinakita ko yung latest health check ko para lang sure na safe ako.

Napansin kong nagulat siya, pero natawa lang at sabi, "Grabe ka naman, hindi mo na kailangang gawin yan."

Since mukhang open na kami sa past experiences, naisip kong maging honest din. Sinabi ko na dati akong nag-hire ng escorts, pero last time was 4 months ago, and ever since, gusto ko na ng totoong connection.

Biglang nag-iba yung mukha niya. Hindi siya nagalit, pero halatang nag-shift yung energy. Then she said, "Iba naman yun. At least ako, hindi nagbabayad."

Okay lang kung siya may multiple past partners, pero dahil ako nagbayad dati, automatically mas mababa na tingin niya sa akin?

Tinapos ko yung dinner, ako pa rin nagbayad (kasi may respeto pa rin ako kahit siya wala), at umalis nang hindi lumilingon.

ABYG for being honest and expecting the same level of accountability? O gago ako kasi inassume ko na magiging patas ang tingin ng babae sa lalaking may past tulad ng akin?

Tingin ko gago ako kasi sobrang personal ng inask ko and di pa masyadong kilala.