How hard is BPO for an average student?
Hello, katulad sa nakasulat sa title, gaano kahirap pumasok sa BPO/Call center?
My father keep on insisting na mag call center nalang ako kesa patuloy na magtrabaho as a service crew. I'm a first year college undergraduate na nag stop muna to earn money and take a mental health break. I can't say na matalino talaga ako pero nakakaintindi ako. Nasa with Honors din naman pero hindi na consistent since naging mentally unstable at nawalan gana sa studies. I can write basic/simple english sentence, poems, essays, or research naman. I cannot say na malawak yung vocabulary ko pero alam ko naman yung basic grammar and spelling ng English language. Parang gusto ko nga rin mag try pumasok sa BPO, mostly no voice, pero natatakot ako na hindi makapasa or hindi ko alam gagawin. Baka mali-mali masabi ko at sabihan pa ako na b@b0 ng makakausap ko. Nakakapagsalita rin naman ako sa English language pero hindi ganon ka confident at medyo nauutal. Should I try ba pumasok sa BPO or mahihirapan talaga ako dahil sa skills ko? Help me out
Edit: Next year pa naman ako babalik sa school, so hindi naman problem ang schedule sa akin ngayon. Free ang schedule ko at nilalaan ko lang 'to sa current work ko right now, other duties like paglalaba, etc.. Also, thank you so much sa mga advice niyo. Na c-convince ako lalo na mag try. Additional question, can someone tell me ano yung mga expectation ko sa work if sa BPO ako? Like more on computer ba? What kind of job ba talaga ang BPO? (May knowledge at idea na ako pero would like to know more). Lastly, may other skills oka ba ako na need matutunan or enhance kapag nag BPO ako? Like computer skills? Thank you!