Nagsisi ba kayo na bumili ng Sedan bago bumili ng SUV for a first car?

TLDR: Sa mga bumili ng Sedan muna before SUV, pinagsisihan nyo po ba? Kelan nyo nalamang mali decision nyo?

Hallu po, share ko lang to kasi ang funny, nagkadoubts and tbh medyo rant na rin. 🤣

New driver ako 27F and nag away kami ng pinsan ko kasi binili kong car is Vios. Nung nalaman ng pinsan ko pumutok ata ugat nya kasi bakit hindi daw SUV binili ko. Dami nya dahilan, mukhang taxi, di bagay sa family (matangkad pamilya namin, 6'0 sya ako 5'7), etc. so sinabi ko totoo na since new driver ako:

  1. ayoko muna gumastos masyado sa kotse dahil may iba akong mga pagkakagastusan

2.for practicing/develop ng driving skills

  1. work lang talaga (mostly city driving).

4.Minsan lang ako mag out of town

  1. tbh baka himatayin ako pag may mangyari sa first car ko tapos SUV pa (muntik magasgasan yung Vios nung nag park ako samin sobrang stress ko 😭)

  2. Ako lang mag isa most of the time gagamit. As in. Ano gagawin ko sa space ng SUV kung gagamitin ko lang yung kotse for me, myself, and I. (Tyaka tong pinsan ko may Raptor di talaga nya hihiram. Dami lang kuda)

  3. Huling reason, natuwa ako mag drive sa Mazda 3 ng pinsan ko. Dun ako natuto and feel ko ang ganda ganda ko HAHAHA (kinulang lang talaga ako sa budget for Mazda 3, apaka mahal bwakanang yan) kaya nag Sedan ako.

Ayun, away galore kami. Kaso nagkaroon ako ng doubt na baka in the long run magsisi ako sa Vios and bakit hindi SUV kinuha ko. Pero so far nag eenjoy ako and pasok yung kotse sa needs ko. Kaso ayun nga, di mawala sa isip ko na nagsayang lang ako ng pera. Though plan ko naman bumili ng SUV IF EVER kinailangan ko.

Ayun lang. Thank you 🤗