Normal ba na may “lazy mode” ang lalaki?

I (28F) have a bf (28M) and lately napapansin ko na hindi na siya ganun ka active pakikipag usap sakin. Ang dahilan niya, tinatamad daw siya mag open ng messenger and nasa “lazy mode” daw siya. That was his term for that.

I understand na may pinagdadaanan siya sa family niya. And ngayon umabot na affected yung relationship namin. Kasi dagdag pa daw ako sa stress niya. All this time akala ko okay kami. Kasi nung nakaraan lang sobrang okay pa namin. Tapos nagugulat ako may ganito na. Tipong di niya na ako mareplyan or message manlang.

May work kami pareho and WFH both. Ayaw niya rin makipagkita and need niya daw space.

I need advice. Baka kasi may mga ganitong phase lang talaga ang mga lalaki?