Gigil ako sa mga naninigarilyo/vape!
For those people na subject lng ang binabasa and not the whole thread, pakibasa po!
Wala naman sakin problema kung magvavape ka or sigarilyo. Well, life niyo naman yan ang sakin lang pleaseeee.. wag naman kayo buga ng buga kung saan saan
Tuwing naglalakad ako in a public place tas maya maya yung nasa unahan mo kung makabuga ng usok ng sigarilyo/vape nya kala mo wala sya matatamaan. So ako naman todo iwas at pigil ng hininga the whole time since same way kami na dinadaanan. Ang ginagawa ko na lang inuunahan ko sila para d ko maamoy.
Nakakagigil lng kase hindi porket nasa open space kayo wala na kayo maaargabyado pag bumuga buga kayo. Kahit mabango pa amoy ng vape niyo galing parin yan sa bunganga niyo.
Kaya please lang be mindful naman and responsible as a smoker. Hindi ko nga alam kung dahil ba sa mga usok usok na yan kung bat lagi ako inuubo at nangangati lalamunan.