I was shamed and shouted at US Embassy.
Hanggang ngayon naiiyak ako pagka naalala ko gano ako napahiya kanina. Sinigaw sigawan ako nung babaeng Pilipina sa embassy. Hindi ko to kahit kelan naranasan sa Japan embassy or PH embassy pagka nagaayos ng paper works. Inasikaso ko CRBA and passport ng pamangkin ko since nasa US mommy niya which is sister ko.
Hindi nainstruct nung babae na need ko bumalik sa counter nya after ko magbayad ng mga papers, bumalik naman ako pero may kausap na sya sa counter kaya inassume ko na waiting na lang kami sa interview nung consul. So for one hour, nakaupo lang ako dun sa third row tapat ng window niya. Here I thought she could have called me, pero she did not po. Since it's been an hour, then nagutom pamangkin ko na 4 yrs old so bumaba kami saglit for 5 mins para pakainin siya sandwhich, then pagka balik ko may tumatawag sa sakin na girl and binigay yung telephone sakin, hinahanap daw kami nung babae then sinagot ko niratatat nako sabi, "Bakit kayo umalis?! Nasan kayo?! You think we all have the time in the world to wait for people like you?! My god!"
Dun pa lang nagulantang nako and nataranta, so nagmadali kami umakyat. Then nung tinawag ulit ako nung girl sa cohnter nya, sigaw na naman sya and pinagalitan nya ako na narinig ng lahat. Yung normal voice nila is malakas na dahil sa mic, let alone pa na sumigaw sya. May dalawang filipina mom don na nagalit sa kanya and halos maiyak na talaga ako sa kahihiyan. Nakaabot ako fourth year college never ako pinagalitan ng mga professor ko at di ako nasigawan nang magulang ko nang ganon, kaya sobrang traumatizing nung nangyari sakin kanina. Anyway, nagalit yung isang mom na bakit ganon ginawa sakin, ang rude nya, di nya ako kailangan sigawan kasi ang trabaho nya mag process ng paper & enough punishment na sakin yung late daw kami ng pamangkin ko maiinterview. Tapos etong mom na to, bago sila umuwi nung baby boy nya (na naging playmate ng pamangkin ko), huminto sya sa window nung babae and she asked the girl to apologize to me kasi everyone heard how she scolded me, and sabi nung mom hindi raw ako bata para ganunin. The mom asked her about something (employee number, I think?)
Then ayaw magpatalo nung girl. For 2 hours nanlubog ako sa kinauupuan ko, imagine ang daming tao yung iba ibang lahi pa. Ganto ba talaga sa US Embassy? Pati mga guards nila sobrang lala nang ugali ang eentitled kala mo sila magmamana nung US Embassy. I sent an email already sa US embassy explaining the situation. Hanggang ngayon nagshashake ako at di ko mapigilan magalit sa sarili ko na why I didn't talk back. Nakita nang pamangkin ko lahat nang pangyayari which up until now asks his mom why did someone shouted at me (his aunt) on their video call, kaya yung ate ko sobrang sorry nang sorry sakin.
I am beyond disappointed din kasi I'm currently studying BA International Studies major in International Relations and ganon pala ata kalakaran sa embahada, mababa tingin sa mga aplikante unless ibang lahi ka.