Bat ka nag eexpect ng share sa sweldo ko?
Rant ko lang na I had this friend na nagyayaya ng work. Sakto na kailangan ko that time, wala pa ako 1 week na nagiistart mag hanap.
Edi super thankful ko sa kanya and then nag apply ako.
I did the interview and everything and got accepted.
Then super happy ko so I said hulog siya ng langit.
Pero noong malapit sweldo, nagulat ako na nageexpect pala sya ng share nya?? pang bayad daw ng bills niya. Sinabi pa nya na 5k daw kuryente nila and all. Naging speechless na lang ako.
Nagulat ako talaga kasi wala naman sa usapan namin ito,
"Recruiting agency" ka pala bat di ako ininform??
And no, hindi niya ako tinutulungan with work, I do it all myself.
Hindi rin siya yung decision maker sa pag hire sakin.
I understand na siya dahilan bat nadiscover ko itong work but if yun pala ineexpect nya edi sana sinabi niya in the first place.
Kasi kung sinabi niya yun, di ko itutuloy mag apply kung may kaltas pala sweldo ko edi parang naghanap ako ng work na mas mababa ang offer kesa sa previous work ko.
I understand when I need to be grateful and when I need to set boundaries. So noong unang cut off I gave him some and told him na this is all I can give, and I know my financial standing which is why I can't give him anything monthly but if may commission or anything na dagdag man akong makuha magsshare ako.
I thought that clarified everything.
Pero this month parang nanghihingi ulit siya.
Like am I in the wrong if I keep my salary to myself??