instead na hayaan ko gf ko tumakbo ako pabalik sa kanya
kanina lang may misunderstanding kami ng gf ko while we're talking about us, tapos nagiging mabigat na talaga sa dibdib, ramdam ko rin yun sa kanya kaya she said na umuwi na kami, gabi na rin kasi at may exams pa siya bukas. parehas 'yung gate na lalabasan namin pauwi galing sa univ but iba sasakyan namin siya jeep ako bus siya papunta ako pabalik gets niyo | ! | ¡ | ganyan.
tapos i said dahil nagtatampo rin ako "sa ibang ruta (gate) na lang ako dadaan" sabay talikod, binagalan ko hoping hahabulin niya ako but after ilang steps at paglingon ko pabalik wala na siya. nagkaroon na kami ng ganitong tampuhan kaya familiar sa akin ang feeling na ang sakit at mabigat. parang bumalik sa akin 'yung pagsisisi na sana i stayed imbes na umalis.
suddenly di ko na kaya, i ran as fast as i could at nadatnan ko siya pasakay pa lang sa nag-aantay na jeep, wala pang pasahero so tinabihan ko siya nagulat siya tapos sabi ko "ibang ruta." then she leaned her head sa shoulder ko. sabi niya hahabulin niya rin sana ako kaso di niya na ako makita (malabo mata niya hahaha madilim na rin)
nakakagaan lang sa dibdib kasi imbes na hayaan na lang at ipagpabukas na, mas maluwag pa rin sa puso ang ganito i-seset aside muna ang ego. sobrang natutuwa lang ang puso ko na ginawa ko 'yun, kasi knowing me mataas pride at ego ko ... sobrang saya lang talaga guys.
nagkaayos kami at sabi niya pa noong nakita niya ako parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan :((
i know this is bare minimum, and I'm trying and doing my best para makasama ko siya habang buhay. natutuwa lang rin ako at I'm being open towards her even more, better than before. ayon lang, salamat sa pagbabasa hehe.