NAKAKA-FRUSTRATE YUNG HUSBAND KO!!!
Naglabas kami ng pickup recently and plan namin na ipa-bless sana sa Manaoag tomorrow. Since pickup nga, so 5-seater lang diba. Kaming family (husband, me, baby) at yung parents ni hubby ang kasama sana. Last week pa lang sinabi na ng sister ni hubby na gusto sana niya at ng mga anak niya sumama, kaso nga hindi kasya. Sabi ko naman, okay lang naman sumama si ate pero siya lang, at hindi na maisasama yung mga anak nya (5 po anak nya) kaso nga hindi kami kasya sa sasakyan. Gusto sana nila na sumama at sa likod na lang ng pickup sasakay kaso hindi pwede dahil mag-expressway kami, and sabi ko kahit hindi magexpressway, delikado yung ganun at baka mahuli pa kami. Ang ending, ang sasama na lang daw ay yung 2 anak ni ate na bata (6y.o. and 9y.o.) which is okay lang naman kasi maliliit lang naman yung 2 kids. Kaso kanina biglang sasama din daw yung 15y.o. ni ate which is adult size na din. So dahil di na nga kami kakasya sa sasakyan at hindi din naman nakatanggi ang asawa ko sabi ko sige, hindi na lang kami sasama ng anak ko para magkasya sila tutal nakakasimba naman na ako sa Manaoag before. Ngayon sinabi ni hubby sa mother in law ko na hindi na kami sasama ni baby and parang ako pa ang lumabas na masama ang ugali. Nagtampo si MIL at sinabi na siya at yung 15y.o. na pamangkin na lang daw ni hubby ang di sasama. Parang ang naging impression niya ay ayaw ko na kasama yung mga bata 😞