my girlfriend is a family oriented person and I dont like it.

My girlfriend is a family person and I dont like it. Dont get me wrong, I love her family. But sometimes, its too much.

To give you guys a background, she lives with her family. Sya yung runner ng pamilya, kasi sya yung marunong magdrive at papa nya.

Everything is fine, we do errands together and every weekdays at nasa bahay kami nila. Mabait family nila at welcome naman ako. Kaso kasi minsan, sa sobrang dami nila pinapagawa, 2 hours nalang tulog ng girlfriend ko.

Dagdag mo pa ate nya, na lahat inuutos kasi di maalam sa mga bagay bagay. Pagprint, pag ayos ng documents, pagwithdraw, etc.

We had this agreement wherein every saturday, ilalaan namin for us. Para may bonding kami since both rin kami busy on weekdays, then sundays kasi, family day nya naman.

Kaso, hindi yun nasusunod.

Bigla bigla nalang magsasabi family nila na may lakad sila on a saturday, and yung girlfriend ko torn between following our agreement or susundin nya family nya.

I ended up letting it slide as usual, wala naman ako laban sa pamilya nya eh.

Itong ate nya, nagpapasama pa next saturday para ipagdrive sila ng friends nya sa out of town.

this time, nagopen na ko na parang ang unfair.

Nagkaron kami away because of that, shes kinda defensive rin kasi pag napaguusapan pamilya nya. Ang sabi nya sakin, "may responsibilidad rin naman ako sa pamilya ko."

Ang akin lang naman, buong linggo, kasama namin family nya. Ano ba naman ilaan ang sabado para saamin naman.

Ang unfair lang, kasi lahat naman ginagawa ko para sakanila including her family.

Iniisip ko, baka di pa ready si girlfriend magkaron ng relationship since di ko naman ramdam na priority ako.

Am I too selfish? Feel ko kasi hindi. We even support her family financially. I upgraded their car. We give them groceries pag naggrocery kami for ourself. Pinagluluto namin sila. Pag may kelangan sa computer i-edit, i-print at kung ano man, inaasikaso ko. Pag kelangan ng ate nya magwithdraw, hinahatid pa namin sa banko. The list goes on and on, wala pa sa kalahati yan ng nagagawa ko para sa pamilya niya. Kaso ang sama parin ng loob ko kasi sabado nalang nga time to unwind, kukuhanin pa nila.