Nakipagbreak ako sa jowa ko kasi mag-iisang taon na syang walang trabaho

Ayun lang. Isang taon ko na rin syang sinuportahan sa mga trip nyang gawin, mga gusto nyang subukan na pati ako na-stress na rin kung papano sya magkakaron ng trabaho. And to think na may high-paying job naman ako.

Ang problema kasi masyado syang mapili sa work. May mga position sya na nilu-look down, parang gusto nya manager na sya kaagad eh lahat naman talaga nagsisimula sa ibaba. So mula nung di sya nagwowork eh ako na sumasagot sa mga gastusin kapag nagkikita kami at minsan nag-oout of town trips din kami. Nag-enjoy naman ako saka maalaga rin naman sya. Kaso di ko talaga kaya na wala syang trabaho. Di ko ma-imagine yung future na nakaasa sya sakin. Kilala ko sarili ko and sure ako na eventually mawawala attraction ko sa kanya pati na respect ko sa kanya pagtagal.

Parang di pa nagsi-sink in sakin na nakipagbreak ako, di ko pa nafi-feel yung lungkot. Iniisip ko kung dapat bang magpakatanga pa more and ipaglaban pa yung relationship namin pero sa 1 year na un nakita ko na ugali nya tamad, entitled and demanding, choosy sa mga bagay and lagi pati syang negative. Ayoko na kaya tama na.

P.S. pagpray nyo naman na wag ko na balikan hahahaha