Pakiramdam ko kabit ako
Yung partner ko may baby sa ex-gf nya, every saturday dinadalaw nya yung bata. Lumalabas sila na sila lang tatlo, co-parenting kumbaga. Matagal na naman silang hiwalay, siguro mga 3-4 years na din. Neto na lang sila naging magka sundo nung ex gf nya about sa bata. What I mean is, nahihiram na nya yung bata kahit papano.
Wala ako masyadong alam sa ex-gf nya, ang alam ko lang until now hindi pa rin sya nakaka move on sa partner ko. Hindi ko na masyadong i ku kwento, pero base sa kwento ng partner ko at mga kaibigan nya, “crazy ex” talaga si ex-gf at madalas gamitin yung bata everytime na di sila nagkaka sundo.
Nag sasabi naman yung partner ko everytime na lumalabas sila, kahit daw ayaw nya kasama yung ex gf nya, wala sya magawa kasi gusto nung babae everytime na gagala sila na kasama ang bata, dapat ksama din sya.
Kanina naisipan ko lang i check yung profile ni girl. Nakita yung mga uploaded photos nya. Yung bata plus partner ko, more on ganun lang naman mga pictures. Tapos may story din sya sa facebook nya na andon yung partner ko at bata, kumbaga kung ikaw yung makaka kita, maiisip mo na “wow happy family” ( tho wala naman sila picture together, or tatlo sila )
Hindi ko alam kung emotional lang ba ako dahil buntis ako ( yes, im 15 weeks pregnant haha ), pero pakiramdam ko kabit ako, kahit na hiwalay na naman sila at alam kong para sa bata na lang yung mga labas labas nila. Naiyak talaga ako kanina hahaha
Btw, for sure hindi alam ni ex gf yung about sakin. To be honest, ayaw ko rin malaman nya dahil grabe mga ginawa nya sa partner ko to the point na muntik na matanggal sa work partner dahil sa kagagahan nya ( buti nga at kalmado na ngayon si girl, hindi na gumagawa ng eksena haha )
Para sakin gusto ko protektahan ang sarile ko at magiging baby ko kaya hanggat maari ayaw ko muna malaman nya about sakin.
Pero to be honest. Hindi ko alam if ano ba talaga dapat yung maramdaman ko or if may dapat ba ako gawing action.
Sorry ang haba. 😂😅