Ipapa barangay daw ako ng Nanay ko
Stress na stress nako. May ₱100,000 na nakatago ung Lola ko sa taguan niya sa kwarto pero pagkacheck nya, biglang naging ₱50,000 nalang. Ngayon, ako ang pinagbibintangan ng lahat kasi ako lang ang kasama niya sa kwarto, pero hindi ako ang kumuha.
Hindi ko rin matukoy kung sino ang “impostor” among us dito sa bahay. Ngayon, tinatakot ako ng Nanay ko na ipapabarangay niya ako at kinukuwestiyon niya yung mga pinapa-deliver ko from Shopee, kahit na may sarili akong pera dahil nag a-affiliate ako.
ADD KO LANG: Out of nowhere, habang nawawala yung pera, bigla akong inalok ng brother ko na diko naman gaano kaclose kung gusto ko raw ng "valentines gift".. Sabi nya pa bibilhan nya yung lola ko, mommy, ako at yung nililigawan nya.
Taka lang ako san nya kukunin pambili non e 150 lang baon non kada araw. Ayoko isipin na sya ang nagnakaw pero na-weirduhan lang ako na bigla syang mag aalok ng ganun sakin tas kesyo biglang nawawala wallet nya.