Ano ba dapat ang isagot sa MIL na paladesisyon.
Bakit ba may byenan na atat na atat at pinapangunahan ang nanay pagdating sa baby.
Gusto ko lang ng katahimikan sa bahay at ayoko na bombahin ng pangungulit. Nakabukod nga pero every month naman nag stay ang byenan sa bahay namin. Mapapa-what-the-hell ka na lang sa asawa mo.
FTM at may 3 months old na baby. Sabi ng asawa ko pinapunta nya daw ang mader nya para magluto at makaalis kaming dalawa na hindi kasama ang baby namin. Nagegets ko sya na gusto nya ako mag enjoy pero kung ang kapalit nun ay kakulitan at pagmamarunong ng nanay nya, huwag na lang. Gusto ko na lang nang katahimikan sa bahay namin.
Dahil sa totoo lang, nagagawa ko naman lahat ng gawaing bahay at hindi ko na kailangan ng katulong dahil SAHM naman ako. Ang ayoko lang eh nangunguna sya magdesisyon sa amin. Na kesyo pumunta daw kami sa birthday ng lola ng asawa ko kasama yung apo nya para makita ng lola at mga kamag anak. Eh pasko yun e at wala kaming sasakyan. Ang hirap mag commute ng walang sasakyan at ano ba na gusto ko magpasko sa bahay lang namin dahil may baby ako. Hindi ko naman pinagdadamot anak ko pero sana naman huwag atat.
Pwede naman pumunta next year na hindi crowded ang pupuntahan ng anak ko dahil baby pa lang. Malay ko bang biglang halik halikan ng mga tanders yun doon at magkasakit.
Gusto ko na lang sya sagutin kasi naiirita na ako na araw araw paulit ulit sya.
Tapos gusto nya na yung mama ko magstay din sa bahay like wala na ba kaming privacy kasi di ko naman inoobliga nanay ko mag alaga sa apo nya. Sana respeto na lang samin bilang BAGONG pamilya na gusto namin ienjoy na kami kami lang. Di naman ako katulad nya na lola at lolo ang nag alaga sa asawa ko. Ayoko maranasan ng anak ko yun.