Paano ba maging maganda kung wala kang masyadong pera?
Hello po, nagtry akong magpost sa BeautyPh pero hindi po yata tinanggap kaya try ko rin po sanang magtanong dito.
32 na po ako, homebased work at goal ko this year ay alagaan ang sarili ko at pataasin ang kumpyansa ko sa sarili. Hindi ko naman pong hinangad na mag artista o maging influencer. Gusto ko lang po sanang imaximize yung potential ng mukha ko. Kaya kung may advice po kayo dyan, pwede po sanang ishare nyo. So far, ito po mga ginagawa ko.
Nagpapayat - maraming magagandang mataba pero personally feeling ko po mas okay sakin kung payat payat kaunti. Nag eexerices ako at sinasamahan ng kaunting diet. Kailangan pa ng mas maraming disiplina pero nasa process na.
Skincare - cleanse (Cetaphil), toner (Thayers), serum (Ponds), daycream (Ponds) at SPF 50 (Nivea) kapag lalabas ng bahay. Kapag hindi mainit, Bio oil sa skin.
Foot care - foot cream at mas madalas na magmedyas kahit sa bahay lang.
Teethcare - tootbrush after every meal, mouthwash at floss every night.
Mani, pedi, footspa at facial tuwing nakaluwag luwag. Mga once a month minsan.
Umiinom ng maraming tubig, tinatry matulog ng 7 hours a day (pang gabi po kasi ako) at kumakaen ng prutas at gulay.
Alam ko po parang ang babaw kumpara sa ibang problema dito. Pero napapagod na po kasi akong magself pity. Tapos, hindi naman po sa pagmamayabang pero may kagwapuhan po yung jowa ko. Gusto ko lang din maging mas maganda para sa kanya. At higit sa lahat gusto ko pong maging maganda para sa akin. Namimiss ko nang tumingin sa salamin at maging masaya sa nakikita ko. Salamat po sa mga sasagot.