Cheaper or Expensive phone for a student?

Problem/Goal: I'm a student na nag stop muna para mag work. Nagbabalak kasi ako bumili phone pero hindi ko alam anong bibilhin. Dapat o-order na ako nung redmi note 13 na phone pero kasi pumunta muna ako sa mall malapit sa amin para i-check yung camera ng mga pinagpipilian ko. Sadly, lahat ng mga pinagpipilian ko is hindi ko gusto camera. Ang hanap ko kasi sa phone is malaki storage, matagal malowbat, at maganda sana camera pero affordable lang. Ilang araw ako nagpuyat kaka search pero wala rin ako mabili huhu.

Context: Ngayon naiisip ko if bumili nalang ako cheap phone 3-5k pesos para gawin second phone. May phone naman ako rn na maganda camera kaso kasi mabilis malowbat at super walang storage. Gusto ko bumili phone para mapahinga yung phone ko na 'to. Naiisip ko rin what if bumili ako mura phone tapos bili ako 2nd cam na digi cam kasi want ko rin magka digi cam. Dami ko kasi nakikita na murang digi cam mga 1-2k lang.

So ayun, help me guys, tingin niyo ba mag ipon nalang ako para makabili ng mas mahal na phone (mostly 15-20k kasi mga magaganda na cam) or bili ako ng mura nalang since may phone pa naman ako na isa?

Thank you, and Happy new year!