How to detach with my boyfriend?
Problem/Goal: Hi there, pano kayo nagdedetach sa partners niyo? Ayaw ko na sa kanya pero I still do love him and hindi ko pa kaya maglet go. I thought okay na kami pero may mga issues parin pala kami na feeling ko hindi na maayos. Okay naman kami and weekly nagkikita but it feels na naiinvalidate lang ako every time na nag aargue kami.
So how do you detach from your partner’s habang kayo pa? Especially if lagi kayo magkausap, like magkacalls. Gusto ko na siyang alisin sa sistema ko paunti-unti. Ang hirap din kasi since mag 4 yrs na kami but Im not happy anymore feeling ko stagnant nalang.
Nakipagcommunicate na ako sa kanya before about sa mga issues ko pero wala i. Paulit ulit lang.
Sa kanya lang din naikot ang mundo ko. Most of the time nakadepende mood ko sa kanya. Siya lang kilala ko sa lugar namin at work from home ako. Alam niya rin pano kukunin ang loob ko. Nakakasad lang kasi pagnalala na dun niya lang ako susuyuin. Minsan magoopen up ako sa kanya pero magagalit din siya.
Yung sa pinag-aawayan namin? Mostly dahil nagooverthink ako and wala akong tiwala sa kanya dahil lang din sa mga past issues namin na hindi na naayos kasi gusto niya pag nagsorry siya okay na agad. Dapat pag napag-usapan okay na. Just to be fair nagbibigay naman siya ng assurance pero mostly hinahayaan lang ako.