Breadwinner budget for fam
Problem/Goal: bread winner ako and ang gastos ko para sa fam ko every month is around 15k to 20k, ako sumasagot ng rent sa bahay, kuryente, internet, gamot ni papa (nastroke siya) at minsan nagbibigay ako pang grocery nila. Medyo mabigat talaga siya sakin since 35k lang sahod ko and di ako makapagipon since nakabukod din ako so budget ko rin sa sarili ko so bale legit sagad sagad talaga sahod ko. Nashare ko to kay jowa and nagwoworry siya kasi isipin ko naman daw yung sarili ko. So napapaisip naman talaga ako. Kailangan ba bawasan ko yung binibigay ko sa fam ko? If bawasan ko, wala rin naman silang ibang pwedeng mapagkuhanan ng pera.
Tbh di ko na alam gagawin ko. Super stressed na ko kakaisip sa pera tipong pano ako pag sakin naman may mangyari gosh
Kaya medyo nakakainggit na yung ibang ka-age ko nakakapagwaldas at nakakapunta sa ibang bansa para magtravel. Di ba nila nararanasan yung nararanasan ko? Or sadyang mas malaki lang talaga sahod nila?