Weird encounter with a foreigner sa may tapat ng HSI

Gusto ko lang malaman if scam ba to si kuya foreigner or in need of help talaga.

Was walking from Green 2 papuntang Waltermart. This foreigner guy approached me tinanong niya muna ako kung marunong ako mag-English. I didn’t ignore him kasi he was dressed well. May pabango pa nga. Daig pa ako na naka-pambahay lang halos.

Sabi ko yes. Tapos he proceeded with telling me about himself. He’s from Bangladesh daw and he met up with a friend sa may Volet’s restaurant. Ngayon parang kailangan niyang pumunta ng Makati. Tinatanong pa ako kung alam ko yung Buendia.

Ang initial thought process ko, possible scam to. Nagta-tara nako sa utak ko kung scam or hindi hahahaha. When he said Bangladesh, naalala ko agad yung mga bangladesh scams of fb HAHAHAHA. Pero nung nagbabanggit na siya ng places, I kept listening kasi baka need niya lang naman ng directions.

Moving onnn, after telling me all those places: Volet’s, Makati. Sabi niya he lost his wallet daw tapos naghigingi siya ng 200 pesos pang-pamasahe niya lang daw pa-Buendia HAHAHAHA. Sabi ko lang wala akong cash. Kahit 100 lang daw, aba tumawad pa. Sinabi ko nalang ulit na wala akong cash. Hindi naman na siya namilit after non. Sabi ko din kung may online banking siya may mga ATM na pwede na iscan yung QR code. Wala mema lang para di awkward. Pero nahalata kong di na nakikinig kasi may tinitignan na siya sa phone. May 200 talaga ako sa bulsa. Duda lang ako sakanya.

Gusto ko lang malaman if mayroon dito with the same encounter? Ingat po sa mga students of HSI, EAC and other schools nearby. Be vigilant lang palagi.