trying not to let these patients get to me…
onting vent lang. wala kasi akong ibang makausap since it’s just me and my client. one of my tasks is answering calls and at first, okay naman mabait mga nakakausap ko. pero after the holidays, parang ang cranky na ng mga pasyente?
may time sinisi pa ako nung nanay ng pasyente kasi iba daw (mas murang price) yung sinabi ko when she called to inquire tapos nagulat daw sila when they were charged after the consult. sure ako tamang price yung sinabi ko, they even signed the consent forms indicating the fees, ewan ko sakanya. may time may tumawag nagagalit bat di daw kami sumasagot sa calls and messages niya nung weekend- eh closed kami non. tapos may time sinigawan ako kasi di ko marinig email add niya. may fault naman ako pero ang bilis ng pagkasabi niya tas mej antok na din ako 😅 now i just got off a call from another cranky patient tas mej napatulala lang ako slight. iniintindi ko na lang kasi psych patients sila and this could’ve been worse. masyado lang ata akong sensitive para sa ganitong trabaho. if my actual profession didn’t pay peanuts, i would never pursue customer service jobs lol.