[UPD] Technopreneurship

Sinong kumuha ng course na ‘to? Nakakasira ‘to ng mental stability.

Context: yung course requirement is by group. Para makakuha ng 1.00 aka para ma-exempt sa demo day, kailangan may customer na makuha. Parang 40 groups ata yung total. Yes, large class siya with 180-ish students (mix ng undergrad and grad students). Pag di na-exempt sa demo day, may 12 groups lang silang kukunin para mag pitch. Then the rest ay 0 ang score para sa requirement na yun which I think is 3.00 na agad ang grade kasi 30% siya ng grade.

Nakakainis lang kasi parang ako lang may pake sa group namin. Lahat na ata ng role ginampanan ko na. Madalas walang paramdam at ambag groupmates ko lalo na pag ang usapan na ay division of labor. Bigla na lang nawawala. Magpaparamdam na lang after ilang weeks or malala isang beses palang nagparamdam. Too late na din para magtanggal or lumipat sa ibang grupo.