Debunking Crowd Funding scams ng mga Content Creator
Hello para sa mga katulad ko Entrepreneur na lumalaban ng patas. Share ko pang exp ng friend ko na scam sa crowdfunding.
Nag invest sya sa Resort business ng isang "selfmade multi millionaire" kuno ng 2M. Then kumuha ng 8 investor si Content creator total of 16m ang nkuha nyang ng invest and meron daw syang 4m investment for 20% share.so 10% naman sa friend ko.
Yung ate ko and yung asawa nyang afam naman ay nag pagawa din ng resort which is 2 villa so may comparison ako between ate and content creator.
Content Creator Resort Land acquisition 4M 250sqm Project Cost 10M Pool, permit, appliances and furniture 6M Total 20M
Eto yung pinakita saken ng friend ko base don sa prinesent ni Content Creator na nagastos nila. Dito palang Scam na imagine 1 villa lang to.
Ate and Afam investment Land Acquisition 2.5M 300sqm Project Cost 5.5M (2 villa) yes 2 villa na sya Pool, Permit, and others 1.5 Total 9.M
Note sila mismo nag pagawa by hiring engr and archi sa mga plans then may friend silang foreman.
Both bungalow and 3 rooms with Billard and pools. Same same lang diff lang is 2 villa yung sa ate ko and kay content creator is 1 villa lang.
Monthly Income
Content Creator Pricy yung resort ni content creator pero may guest at kumikita nman ng 150k - 300k ( advertisement nya is 1m per month) Pero madami din bills like Caretaker, kuryente and water around 50k-70k
Ate and Afam (2 villa) 200k - 500k 50k - 70k bills
So eto na nga. Lahat ng numbers is binigay ng friend ko since nagagalit sya at ang nakukuha nyang monthly is around 10k -25k minsan olats pa at break even lang daw.
Conclusion: sa 16m na kinuha ni Content creator around 6-8m lang ang estimate nyang nagastos since alam nmen ang presyo ng pag papagawa take note mumurahin (chipipay lang) ang gamit ni content creator na Filter sa pool since napuntahan ko nong na invite ako ni friend. 8M malinis ng kinita ni Content creator sakanila plus meron pa syang 20% na share kuno super monkey business imagine hindi talaga sya ng labas ng 4m pero mas malaki pa kinikita nya sa friend ko. If may 2M ka na kikita lang ng 10k -25k per month minsan wala pa kelan kapa mag ROI?
PS: ang advertisment or pangako is 100k per month plus same ni ng ibang scammer wala syang permit sa SEC about collecting investment.